Philippine Basketball League - Bacchus Team
 

.
BIYAHENG PBL, SAKAY NA!
by Gameface.ph
(April 21, 2008)

Maglalakbay ang PBL sa ilang piling lugar sa Luzon umpisa ngayong Martes, Abril 22, sa pagdaraos ng isang 2008 Lipovitan Aminosports Drink conference elimination round doubleheader sa Muntinlupa Sports Center sa dakong timog ng ka-Maynilaan.

Sa hilagang bahagi naman ng Maynila tutungo ang PBL sa Huwebes, Abril 24 sa paglalaro ng isa pang doubleheader sa lungsod ng Malabon sa Oreta Sports Center.

Inaasahang magiging malugod ang pagsalubong ng mga residente ng dalawang bayang ito sa pinakatanyag na amateur basketball league ng bansa upang maging regular na venue rin ng liga ang mga lugar na ito sa mga darating na buwan.

May plano ring magsagawa ng playoff games sa mga lalawigan ng Batangas (Tanauan at Batangas City), Cavite (Trece Martires), Tarlac City at Baguio City sa buwan ng Mayo. Antabayanan na lamang ang tiyak na mga petsa kung kailang dadayo ang PBL sa inyo dito sa website.

Kaya sumakay na sa biyaheng PBL sa mga darating na linggo upang mapasama sa excitement ng liga kung saan una ka dito!

Back to top

 
 

 

 
2006-2007 © Philippine Basketball League
Search www.philippinebasketballleague.org